Advertisers
Ni WALLY PERALTA
GRABE talaga ang impact ng “First Yaya” sa televiewers. Sa ngayon ay ito pa rin ang highest rating primetime show ng Kapuso Network. Mula sa premiere episode nito hanggang sa ngayon ay trending gabi-gabi ang naturang serye nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion. Sadyang maraming kinikilig sa tambalan ng dalawa at sa kaseksihan ni Sanya.
Pagkatapos na pumalo sa taas ng ratings ang two-piece swimwear episode ni Sanya, ngayon ay trending naman ang nakunan na litrato umano nina Sanya at Gabby na magka-holding hands off camera.
Napansin ang larawan na magkahawak-kamay sina Gabby at Sanya kahit off cam sa isang post ng kasamahan nila sa naturang serye na si Cai Cortez.
“Ay, ay! Ano po ‘yun? Ano po ‘yon, Mr. President, ano po ‘yon?” say ni Cai.
Hindi na rin naman nagpapigil pa ang mga netizens at nagbigay na rin sila ng komento sa stolen moment nina Gabby at Sanya, off cam ng taping ng “First Yaya”.
“ay nkkakilig nman.”
“Ang galing ng writer nitooooo ang galing galing din nila gumanap… parang kdrama lang.”
“Sweet nman sana all.”
“So cute po promise nice chemistry po.”
“Kinikilig nman tlga ako sainyo.”
“OMG ngayon lang ako kinilig.”
***
KAHIT pa inulan ng kontrobersiya ang pagiging close ni Miles Ocampo sa pamilya ni Kris Aquino especially sa anak nitong si Bimby Aquino ay buong pagmamahal na nag-alay ang mag-ina ng birthday cake para kay Miles sa kaarawan nito kamakailan lang. Sa vlog ni Kris ay nagbigay pa ang aktres ng mensahe para sa may kaarawan.
“You bring so much joy and appreciation into mine and Bimb’s life. You remind us to be grateful. You show me that I have so much love in my heart to give,” say ni Kris.
Pinahayag din ni Kris ang kanyang pagmamahal sa young actress na dahil sa wala raw siyang anak na babae. Sinabihan pa ni Kris na ang young actress ay magiging si Miles Cojuangco Aquino for the rest of her life.
At dahil sa mensaheng ito ay mas lalong maraming Youtubers ang nagbalita sa engagement nina Miles at Bimby. Say naman ni Bimby sa kanyang social media account, lahat ng mga nababasang tungkol sa kasal o engagement nila ni Bimby na almost 10 years younger than her at gayun na rin ang tsikang buntis na raw si Miles kay Bimby ay pawang fake news.