Advertisers

Advertisers

LGUs, PNP pupulungin para sa paghuli sa mga ‘di nagsusuot ng face mask sa publiko – DILG

0 241

Advertisers

MAKIKIPAGPULONG na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Units (LGUs) para ma-reconcile ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ang mga indibidwal na hindi nakasuot ng face mask.
Sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya, kailangan nilang makipag-usap sa LGUs at PNP para mabusisi ang mga ordinansa.
Kakausapin din nila ang PNP para madetermina ang parameters ng direktiba ng Pangulong Duterte.
Binigyang-diin ni Malaya na ang mga lokal na ordinansa ang naglalabag dito kaya kailangan din nilang tingnan kung paano nila maipatutupad ang direktiba ng pangulo nitong Miyerkules ng gabi.
Dagdag pa ng DILG official na ang mga LGU na ang magpapatupad ng mga parusa sa mga lalabag sa hindi pagsusuot ng face masks.