Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
KAMAKAILAN, muling nagpatutsada si Vice Ganda kaugnay ng pagkawala sa ere ng ABS-CBN.
Nakaisang taon na kasi noong Mayo 4 mula nang ibasura ng mga kongresista ang renewal ng franchise renewal ng nasabing network na nauwi sa pagpapasara nito.
Ayon pa sa host at komedyante, hindi lubos na nagtagumpay ang mga nasa likod ng pagpapasara ng nabanggit na istasyon dahil patuloy pa rin ang mga shows nito na tinatangkilik ng masa.
Tinawag din niyang “ganid at masasamang” loob ang mga ito na sa simula pa lamang ay balak nang ikandado ang network na nakilala “In the Service of the Filipino”.
“Isang taon na ang nakalipas nang tangkain ng mga ganid at masasamang loob na ang mga KAPAMILYA ay mapagkaitan ng serbisyong kailangang-kailangan nila lalo sa panahon ng pandemya. Ngunit di sila lubos na nagtagumpay. Dahil andito pa rin kami at patuloy na isinasabuhay,” tweet ni Vice.
***
Richard Poon kinuyog ng bashers sa pagdepensa kay Digong
HINDI naiwasang makuyog ng netizens ang singer na si Richard Poon dahil sa naging hanash nito tungkol sa usapin ng karapatan ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sa hanash niya, dapat daw ibunton sa dating administrasyong Aquino ang sisi dahil hindi nito giniyera ang China noong 2012.
Ini-cite rin ni Richard ang tungkol sa nakasaad umano sa arbitral ruling ng United Nations tungkol sa disputed islands ng bansa.
Hindi naman nakaligtas sa pangunguyog ng netizens si Richard dahil sa pagtatanggol nito kay Pangulong Duterte.
Hirit ng netizens, pa-intellectual pa raw ang diskurso nito samantalang hindi nito naiintindihan ang kanyang sinasabi dahil ang source raw nito ay si Jay Sonza.
Anila, it runs in the family dahil POON daw pala ang apelyido nito na tulad tulad ng kanyang among si Digong.
Ito na raw ang spokesman ng mga DDS at kapalit ni Mocha Uson.
May mga netizen din na na-disappoint sa crooner dahil sa argumento nito.
Laotian deep na raw ito at gusto lang magkaroon ng puwesto sa gobyerno.
Dagdag pa nila, bago raw ito ngumawa ay siguraduhin muna na factual ang research nito.
Sa ginawa raw nito, nasa liga na ito ng mga troll tulad nina Robin Padilla, Banatby, Jam Maligno at marami pang iba.