Advertisers
SA kabila ng pahayag ng Department of Health (DOH) na bumababa na ang sample ng specimen na dumarating sa mga laboratoryo para sa COVID-19 testing ay nakapagtala pa ri ng mataas na bilang na 6,979 na karagdagang kaso ng sakit.
Samantala ay mayroon namang naitalang 10,179 na gumaling at 170 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.8% (63,376) ang aktibong kaso, 92.5% (1,013,204) na ang gumaling, at 1.67% (18,269) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (ANDI GARCIA)