Advertisers
TARGET ng pambansang kapulisan na mag-hire ng 17,000 na karagdagang miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Sa isang panayam kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, ang naturang mga pulis ay ide-deploy sa iba’t ibang panig ng bansa.
Giit ni Eleazar na importante raw ang papel ng mga pulis sa ngayon dahil na rin sa nararanasang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic lalo na sa isyu ng seguridad ng ating mga kababayan.
Diin ni Eleazar na walang padrino system sa pagkuha ng mga bagong pulis dahil talagang dadaan ang mga ito sa butas ng karayom.
Nangako ang bagong talagang hepe ng kapulisan na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para maisulong ang mga programa at mga polisiya sa pambansang pulisya. (Josephine Patricio)