Advertisers

Advertisers

Mag-ingat sa shellfish: 18 lugar may red tide – BFAR

0 391

Advertisers

AABOT sa 18 lugar sa bansa ang nagpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na sobra sa regulatory limit kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa latest shellfish bulletin ng BFAR, nabatid na lahat ng uri ng shellfish at acetes, o mas kilala bilang alamang, mula sa mga susunod na lugar ay hindi ligtas para kainin: Coastal waters ng Zumarraga sa Western Samar; Villareal Bay sa Western Samar; Cambatutay Bay sa Western Samar; Carigara Bay sa Leyte; Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; Lianga Bay sa Surigao del Sur; Coastal waters ng Hinatuan, Surigao del Sur; Bislig Bay sa Surigao del Sur; Balite Bay sa Davao Oriental; Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; Coastal waters ng Dauis atTagbilaran City sa Bohol; Ormoc Bay sa Leyte; Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; Coastal waters ng Leyte, Leyte; Coastal waters ng Calubian in Leyte; Coastal waters ng Biliran Islands; at Coastal waters ng Daram Island sa Western Samar.
Sa kabilang banda, sinabi naman ng BFAR na ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango basta sariwa at nahugasan ng husto ang mga ito habang naalis naman bago lutuin ang mga laman loob nito tulad ng mga hasang at bituka.