Advertisers

Advertisers

2 BIFF members na umukupan sa palengke sa Datu Paglas, naharang

0 218

Advertisers

NAHARANG ng tropa ng 9th Brigade ng 109th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Kalumengan, Datu Paglas, Maguindanao.
Nakilala ang mga dinakip na sina Nasrullah Abdullah Walingan, 24 anyos; at Jerwali Salem Zabel, 32, kapwa residente ng Sitio Mupak, Barangay Poblacion, Datu Paglas.
Ayon kay 109th BC Admin Officer Abdurrahim Molilis, naharang ang dalawa pasado 8:00 ng umaga ng Lunes habang ang mga ito ay pauwi na sa kanilang tahanan.
Galing umano ang mga ito sa kanilang mga kasamahan nang maghatid ng pagkain na kabilang sa mga umukupa sa public market ng Datu Paglas noong umaga ng Sabado.
Agad nai-turnover sa kostudiya ng CIDG-BAR sa Cotabato City ang mga bandido.
Ayon kay Maguindanao Provincial Field Unit Commander Police Major Esmael Madin, nakuha sa dalawa ang isang 45 caliber pistol na may mga bala at dalawang Improvised Explosive Device o IED.