Advertisers
HINDI na makapagdiriwang ng kaniyang kaarawan sa darating na Sabado ang 38-anyos na seaman nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Mangaldan, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Jose Penuliar Jr., ng Barangay Maasim, at nito lang nakaraang Pebrero dumating sa bansa.
Habang nagbabakasyon, naisipan ng biktima na magnegosyo sa pamamagitan ng pagbili sa aning gulay ng mga magsasaka at kaniya namang ipagbibili.
Magdedeliber sana ng mga ibebentang talong ang biktima nang pagbabarilin ng mga sakay ng motorsiklo.
Walang maisip na dahilan ang ina ng biktima para patayin ang kaniyang anak.
Ayon sa pulisya, ‘love triangle’ ang isa sa mga anggulong tinitingnan dahil malapit umano sa mga babae ang biktima.