Advertisers

Advertisers

Bea malas sa lovelife, panalo sa farm; Lovi bitin pa kung Kapuso pa rin o Kapamilya na

0 242

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA latest vlog ni Bea Alonzo eh ipinasilip nito ang kanyang 16 hectares farm sa Zambales.

Yung una nga eh aandap-andap pa ito na i-grab dahil nga sa daming demands kung may farm.



Pero kalaunan eh naudyukan na rin siya at na-acquire niya ang lupa sa aktres na si Isabel Rivas na meron ding farm.

Pinangalanan niya ito ng Beati Firm. Natutuwa naman si Bea 2011 nang kunin niya o bilhin ang nasabing farm at ngayon ay hitik na sa dami ng puno at bunga nito.

Dagdag pa nga ang livestock at poultry sa kanyang farm bukod sa mga puno ng prutas.

Ang nanay at kapatid naman nito ang nangangasiwa sa nabili nitong farm at doon na rin nakatira ang kanyang family sa ipinagawa nitong rest house.

Hindi man daw suwerte at minalas sa pag ibig si Bea pero sa kanyang farm ay waging-wagi naman ito.



At least,  ayon sa netizen mag-quit man daw si Bea sa showbiz ay may naipundar itong investment mula sa katas ng kanyang pinaghirapan.

Dapat daw tularan ng ibang artista si Bea na pag-iinvest para sa future.

Kung nagtanim si Bea para sa kanyang nabiling farm at this point in time eh panay harvest naman para maging money.

Bonggacious!

***

NAKA-hang pa rin ang netizens kung mananatili sa Kapuso o lilipat na ng Kapamilya si Lovi Poe.

Matapos kasi ma-expire ang kontrata ng aktres sa GMA-7 ay wala naman linaw kung tuloy pa ba siya sa pagiging Kapuso o ober da bakod na ang peg nito.

Kapwa tahimik at tikom naman ang mga bibig ng execs ng GMA-7 at mismong manager nito. regarding sa status ng kontrata nito.

Nasa bakasyon pa kasi si Lovi kasama ang dyowa nito.

Imbes pauwi na eh nag-extend naman sila ng kanilang vacay. Kaya naman ang mga fans eh gustong malaman kung saan na ba nilang network susubaybayan ang kanilang idol.

First week of June naman ang balik ng Pinas ni Lovi at doon na nga raw magkakaalaman kung in or out na ito sa Kapuso.

Pero may posibility naman na manatili itong Kapuso at pinipigil si Lovi.

Well, well, well…’Yun na!