Advertisers

Advertisers

Marion bongga ang mga eksena with Sharon sa ‘Revirginized’

0 394

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

NAPANUOD namin ang latest upload video ni Sharon Cuneta sa kanyang official Youtube channel na Part 2 ng Behind the Scenes (BTS) ng comeback movie niyang “Revirginized” sa Viva Films.

At kung  may ilang eksena na ang singer-actress na si Marion Aunor kasama si Shawie sa Part 1 ng BTS ng movie na kinunan sa isang sosyal na resort sa Subic, sa napanood naming Part 2 ay halos lahat ng eksena ni Sharon ay kasama si Marion with other girls, kaya for sure kapag ipinalabas na ito sa Vivamax ay siguradong mapapansin ang magandang daughter ni Ma’am Maribel Aunor na hindi lang pala mahusay na singer kundi magaling ding artista.



At sa ginawang interview sa cast na para pa rin sa behind the scenes ng movie. Makikita mo kung paano sumagot si Marion na well-educated and very articulate.

Maganda rin ang PR ng VAA talent (Marion) kaya makikita mo ‘yung closeness niya with her co-stars. At lahat sila ay puring-puri ang kabaitan at pagiging humble ni Sharon na hindi mo raw makikitaan ng arte kahit isa itong Megastar. Anak daw ang turing sa kanila ni Shawie na very generous at supportive sa mga newcomer sa movie niya. Saka very lucky si Marion at nakatrabaho na niya si Sharon sa Mega Album nito last 2018 kung saan siya ang nag-composed ng song nitong “Lantern.”



Samantala, dapat nga talagang ipagmalaki ni Marion ang pelikulang Revirginized and this is big achievement for her acting career at sana masundan pa ito ng magagandang projects lalo’t alagang-alaga naman siya ng Viva Artists Agency.

Mapapanood din pala si Marion sa pelikulang “Kaka” na launching movie ni Sunshine Guimary at kahit guest role lang siya rito na gumaganap na singer ay sa full trailer ng movie ay kasama siya. Sa May 28 na ang showing ng Kaka sa Vivamax.



***

Maribel Aunor Celebrates Mother’s Day With Daughters Marion And Ashley Aunor, Mga            Dalaga May Pa-Bouquet Of Flowers

Dapat sa kanyang pagiging devoted and supportive mother ay dapat talagang papurihan ang isang ina na tulad ni Ma’am Maribel Aunor lalo na sa celebration ng Mother’s Day.

Yes, sa post ni Ma’am Maribel sa kanyang Instagram account na may hawak siyang bouquet of fresh flowers sa kanyang photo ay pinasalamatan nito ang kanyang mga anak, “Thanks for the beautiful flowers, MarMar (Marion) and Ash-ash (Ashley). Binati rin nito ang lahat ng kapwa mothers sa mundo.

Kung makikita niyo ang bonding ng mag-iina ay para lang silang magkaka-barkada. At nagpapasalamat si Ma’am Maribel sa Itaas, at binigyan siya ng mababait, masunurin at God fearing na mga anak na may kaniya-kanyang pangalan na rin sa showbiz.

Aside sa pagiging mother ay abala si Ma’am Maribel sa pag-aasikaso ng sariling Monpower Agency na Jobmovers Corporation na siya ang CEO at Presidente, also sa kanyang La Aunor Realty Holdings Corp at JLPT Technical Education na school para sa mga gustong matuto ng salitang Nihongo.

***

“Sayang Lang” Ni Liza Javier Paborito Ng Mga Pinay Sa Japan

Dahil sa may recall ang Tagalog love song na “Sayang” na kinompos ng kaibigan niyang si Rene “Alon” Dela Rosa at magandang lyrics ng first single ay naging instant paborito ng mga Pinay ang first single ni Ms. Liza Javier na “Sayang Lang.”

Naging in-demand kasi si Liza sa mga guesting sa FM radio at ilang online shows sa Japan kaya agad nakilala ang kanyang kanta. Papasa nga ang Sayang Lang ng said Deejay-Recording Artist na maging themesong ng teleserye sa ABS-CBN o GMA.

Ang first single niyang ito ay katuparan ng matagal nang pangarap ni Ms. Javier na maging isang recording artist, kaya malaking pasasalamat niya kay Rene at tinupad nito ang kanyang biggest dream for her singing career.

Sayang kung wala lang pandemic ay gustung-gusto ni Liza na makapag-promote dito sa Pinas. Sigurado papatok rin ang nasabi niyang single.