Advertisers
IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang taon na state of calamity sa buong bansa dahil sa African Swine Fever ( ASF).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay base sa Proclamation No. 1143 tatagal ang state of calamity hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan maliban na lamang kung babawiin na ni Pangulong Duterteng mas maaga.
“Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng state of calamity dahil sa South African Swine Fever outbreak. Nilagdaan kahapon ang Proclamation No. 1143,” ani Roque.
Inaatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan maging ang local government units (LGUs) na magtulungan para matigil na ang pagkalat ng ASF.
Nangako ang Pangulo na maging sapat ang suplay ng karne sa palengke at maging matatag ang presyo nito.
Kailangan bigyan ng tulong pinansiyal ang mga magbababoy para makarekober sa ASF. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)