Advertisers

Advertisers

Pilipinas umaangkat na ng galunggong sa Tsina

0 680

Advertisers

ISINIWALAT ni dating Chief Justice Antonio Carpio na umaangkat na ngayon ang Pilipinas ng galunggong sa China.
Pahayag ni Carpio, kung tutuusin aniya galing din naman sa bansa ang mga imported na galunggong dahil kinuha lamang ito ng mga Chinese na mangingisda sa West Philippine Sea na sakop ng Pilipinas.
Base sa monitoring ng Deparment of Agriculture, nasa P240 na ang kada kilo ng galunggong.
Mas mataas ito sa P200 na presyo ng galunggong noong nakaraang linggo.
Ayon kay Carpio, sa ilalim ng Konstitusyon, tanging ang Pilipinas lamang ang may karapatan na mangisda sa exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Una rito, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon silang usapan ni Chinese President Xi Jinping na maaaring mangisda ang Chinese fishermen sa West Philippine Sea.
Dahil dito, sinabi ni Carpio na ang China na ngayon ang may pinakamalaking fishing fleet sa buong mundo.
Umaabot kasi aniya sa 200,000 fishing vessels mayroon ang China.
Katunayan, sinabi ni Carpio na nagrereklamo na ang mga Filipinong mangingisda dahil wala na silang mahuling isda.
Magugunitang nagpalitan ng maanghang na salita sina Pangulong Duterte at Carpio.
Binabatikos ni Carpio si Pangulong Duterte dahil sa pagiging malamya sa China at hindi pagggiit sa pagkakapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration.
Dahil dito, hinamon na ni Pangulong Duterte si Carpio ng isang debate.
Kumasa si Carpio sa hamon ni Pangulong Duterte.
Pero sa huli, umatras ang Pangulo at itinalaga na lamang si Presidential Spokesman Harry Roque bilang kanyang kinatawan.