Advertisers
MARIING kinondena ng mga Pinoy nurses ang mababang pasahod dito sa bansa sa gitna ng sakripisyo nila sa paglaban sa COVID-19.
Giit pa ni Maristela Abenoja, pangulo ng Filipino Nurses United sobrang demoralisado na sila dahil hindi pa rin nakukuha ng mga nurse sa public hospitals ang starting salary ng Salary Grade 15 o P32,000 habang minimum naman ang kinikita ng mga nurse sa private hospitals.
Nade-delay din aniya ang pagpapalabas ng special risk allowance ng health workers gayundin ang hazard pay ng mga ito.
Giit ni Abenojar na karamihan sa mga nurse natin ay nag-iisip nang mag-resign o lumipat ng trabaho dahil sa paniniwalang kulang ang suporta sa kanila ng pamahalaan.
Aminado si Abenojar na maraming nurses na tatlong beses nang nakaranas ng COVID-19 subalit hindi pa rin nakukuha ang suweldo sa unang beses nilang dinapuan ng naturang virus.
Nangunguna ang mga nurse sa bilang ng health workers na dinapuan ng COVID-19 o 6,000 sa 17K medical frontliners sa bansa. (Josephine Patricio)