Advertisers

Advertisers

2 MMDA enforcers sibak sa kotong

0 290

Advertisers

SINIBAK sa serbisyo ang dalawang traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang masangkot sa ‘robbery extortion’ na nakunan ng video ng kanilang biktima at nag-viral sa social media.
Kinilala ang traffic enforcers na sina Mark James Ayatin at Jayson Salibio, kapwa nakatalaga sa C5 Special Traffic Zone at job order personnel.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, napatunayan na lumabag ang dalawang traffic enforcers sa ‘grave misconduct’ bilang mga magagawa ng gobyerno.
Batay sa kwento ng biktima na si Christ Edward Lumagui, pinatigil ng dalawang MMDA traffic enforcer ang kanyang sasakayan dahil sa traffic violation at hiningi ang driver’s license niya.
Pero kalaunan, sikretong humingi ng pera ang dalawang traffic enforcers sa biktima na nakuhanan nito ng video.
Base sa MMDA Legal Department’s Investigation, ang video ay malinaw na nagpapakita na ang dalawang traffic enforcers ay gumawa ng ‘robbery extortion’ na isang paglabag sa MMDA policies, rules, regulations at existing laws. (Gaynor Bonilla)