Advertisers

Advertisers

ADIK NA PULIS HULI SA ‘SEX DRUG’

0 303

Advertisers

TIMBOG ang isang aktibong pulis na kabilang sa top 5 sa regional level sa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency PDEA).
Kinilala ang naaresto na si Police Corporal Andy Gibb Jaum Luna alias Vince, 35 anyos, residente ng Tahimik, Avenue, Matina, Davao City, at nakadestino sa 1105th Maneuver Company sa Kapatagan, Davao Del Sur.
Sa ulat, naaresto si Luna sa buy-bust operation sa isang inn sa Ecoland ng naturang siyudad.
Nasamsam kay Luna ang mga iligal na droga na nagkakahalaga ng P2,000.
Napag-alaman na sangkot si Luna sa sex for drug scheme.
Mahaharap si Luna sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.