Duterte inilahad nagbabala si Xi Jinping magkakaroon ng gulo ‘pag naghukay ng langis ang Pilipinas sa WPS… CHINA PA ANG MATAPANG!
Advertisers
IBINULGAR ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabala si Chinese President Xi Jinping na magkakaroon ng gulo kapag naghukay ng langis ang Pilipinas sa West Philippine Sea.
“If you do that, there will be trouble,” yan ang babala ni Xi kay Pangulong Duterte.
Sa kanyang public addres nitong Lunes ng gabi, Mayo 17, inalala ni Duterte ang kaniyang pagbisita sa China sa mga unang araw ng kaniyang termino bilang Pangulo kasama ang ilang miyembro ng Gabinete.
Sinabi aniya kay Xi ang balak niyang pagpunta sa West Philippine Sea para maghukay ng langis.
“And pointedly, I said to President Xi Jinping in front of everybody.. sabi ko.. there was a long discussion but I said, ‘Mr. President I know that we have conflicting claims but you know, I have plans of going to West Philippine Sea to dig my oil,’” ani Duterte.
“Tapos, Sir, ang sagot ni President Xi Jinping, almost in whisper, parang ganito sir magkaharap, sabi nya in front of the witnesses that I brought around just to make sure I will be correct all the time, being prudent about it,” pahayag ni Duterte.
Dagdag nito, “Sabi niya in whisper, ‘You know, Mr. President, do not do that. You will just sour up a new beginning here, new friendship found.”
Inimbitahan ng Pangulo sa kaniyang public address si dating Senate President Juan Ponce Enrile, Lunes ng gabi, upang matalakay ang usapin sa West Philippine Sea. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)