Advertisers

Advertisers

Mga dentista, med tech iminungkahing kunin ng gov’t bilang COVID-19 vaccinators

0 186

Advertisers

ITINUTULAK ng ilang mambabatas ang panukalang batas na naglalayong gawing COVID-19 vaccinators ang mga dentista at medical technologists.
Sa kanilang inihaing House Bill No. 9354, sinabi nina House Committee on Health chairman Angelina Helen Tan, Quezon City 6th District Rep. Kit Belmonte at Marikina City 2nd District Stella Quimbo na makakatulong sa efficient rollout ng COVID-19 vaccines sa bansa ang deployment ng karagdagang medical personnel.
Layon ng panukalang batas na ito na maamiyendahan ang Republic Act No. 11525 o ang “COVID-19 Vaccination Program Act.”
Bukod sa mga doktor at medical professionals, ang pinapayagan lamang ng naturang batas sa pagtuturok ng COVID-19 vaccines ang mga duly-trained pharmacists at midwives.
Nakasaad sa panukalang batas na sa pagdating ng marami pang bakuna sa bansa, kailangan ang swift rollout ng vaccination program para sa efficient administration at prevention ng posibleng pagkasira ng mga bakuna.
Sa kasalukuyan, nabatid na mahigit 3 million doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok na sa mga Pilipino. (Henry Padilla)