Advertisers
MULING naghain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest laban sa China hinggil sa fishing ban ng China sa South China Sea na sinakop maging ang West Philippine Sea.
Batay sa kautusan ng Ministry of Agriculture and Rural Affairs ng China na sakop ng fishing ban ang “waters north of 12 degrees north latitude in the South China Sea”, o mga lugar na sakop ang karagatan ng Pilipinas.
Giit ng DFA, ang naturang fishing ban umano ay panghihimasok sa kalayaan at teritoryo ng Pilipinas.
Nanindigan ang DFA na hindi kikilalanin ng Pilipinas ang fishing moratorium ng China na papairalin simula sa ika-1 ng Mayo hanggang ika-16 ng Agosto.
Nagbabala ang DFA sa China na itigil ang anumang pagkilos at aktibidad na lumalabag sa soberanya ng Pilipinas, karapatan sa soberanya at hurisdiksyon na nakasaad sa International Law. (Josephine Patricio)