Advertisers
DALAWA ang patay, habang aabot sa P68 million halaga ng shabu ang nakuha sa operasyon ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Karuhatan Village 1, Muntinlupa City.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jordan Abrigo at Jayvee de Guzman, kapwa miyembro ng Divinagracia Drug Group, na responsable sa pagbebenta ng droga sa National Capital Region, Region 6 at iba pang kalapit na lalawigan.
Nakuha sa mga ito ang 3 plastic packs ng shabu na tumitimbang ng 10 kilos, isang itim na kotse na walang plate number, P1.5 million boodle money at 2 kalibre 45 baril.
Ayon kay PNP Chief, General Guillermo Eleazar, ang grupo ng mga ito ay nagpapakalat din ng droga sa Visayas at Mindanao gamit ang cargo trucks. Isinasakay ang droga sa RO-RO mula sa Batangas Port.
(Mark Obleada)