Advertisers
TODAS ang tatlong tulak ng iligal na droga nang ma-kipagbarilan sa magkahiwalay na buy-bust operations sa San Ildeonso, Bulacan.
Kinilala ni Bulacan Police Director, Colonel Lawrence Cajipe, ang mga napatay na sina Noe Ababa alyas Dondon; alyas Dagul; at hindi nakilalang lalaki.
Sa report, ikinasa ang ope-rasyon laban kay alyas Dondon 1:30 ng madaling araw ng Sabado, Mayo 22, sa Barangay Sumandig.
Nakatakas naman ang hindi nakilalang kasamahan ni Dondon lulan ng motorsiklo patungong Bgy. Umpucan.
Narekober sa lugar ang cal. 38 revolver Smith and Wesson,15 small sachets ng shabu at buy-bust money.
Samantala, patay rin sa hiwalay na buy-bust operation si alyas Dagul at isang hindi pa nakikilalang kasamahan nito 1:20 ng madaling araw nitong Sabado sa Bgy.Pinaod ng naturang bayan.
Ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Unit- 3 at San Ildefonso police.
Narekober sa lugar ang cal.45 Para Ordinance pistol, mga basyo, bala, magazine, cal.38 na may serial number P07445, buy-bust money, 11 sachet ng shabu na may timbang na 58 gramo na nagkakahalagang P264,000.00 at itim na Toyota Vios (NDA7732).