Advertisers

Advertisers

Covid update: 4,973 bagong kaso; 6,666 gumaling; 39 nasawi

0 698

Advertisers

NADAGDAGAN pa ng 4,973 na bagong kaso ng COVID-19 nitong Martes, Mayo 24 ayon sa Department of Health (DOH).
Samantala ay mayroon namang naitalang 6,666 na gumaling at 39 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.1% (48,917) ang aktibong kaso, 94.2% (1,115,806) na ang gumaling, at 1.69% (19,983) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Mayo 22, 2021 ngunit mayroong 6 na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 1.1% sa lahat ng samples na nai-test at 1.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)