Advertisers

Advertisers

P14.3m shabu sa tea bags, ecstasy nasabat sa Tandang Sora, Quezon City

0 262

Advertisers

NASAMSAM ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang nasa P14.3-milyong halaga ng shabu at ecstasy sa isang compound sa Tandang Sora, Quezon City nitong Linggo.

Nahuli rin ng PDEA Regional Office-National Capital Region special enforcement team ang 10 katao sa inuupahang bahay.

Ilan sa mga naaresto ay residente ng Sampaloc, Maynila; Quezon City; at Makati na hindi muna pinangalanan.



Nasa Chinese tea bags ang mga shabu na pareho sa packaging ng nakuhang droga sa naunang operasyon sa Mandaluyong City.

Ayon sa team leader ng operasyon, dito nanggagaling ang supply ng shabu ng mga menor de edad sa naunang operasyon.

Ayon sa barangay, ito ang unang pagkakataon na ganito kalaking halaga ng droga ang nasamsam sa kanilang lugar.

Napapansin narin ng mga residente na maingay sa inuupahang bahay tuwing gabi.

Depensa ng 35-anyos na ginang na nangungupahan doon, madalas silang mag-inuman pero itinanggi niyang kanila ang mga nakuhang droga.



Ayon pa sa kaniya, cosmetic tattoo artist siya pero tumigil muna dahil sa pandemya.

Aminado naman ang isa sa kanila na namamasukan siya sa isang alyas Troy mula Quiapo para mag-abot ng bag pero hindi niya umano alam na droga ang laman nito.

Tatlong linggo na niya itong ginagawa at sinasahuran ng P5,000 ni alyas Troy.

Kakasuhan ang sampung inaresto ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Balak naman ng barangay na makipag-ugnayan sa homeowners para masigurong hindi na maulit ang insidente sa kanilang lugar.