Advertisers

Advertisers

Pinoy seaman na may India variant ng COVID-19 patay na – DOH

0 363

Advertisers

SINABI ng Department of Health (DOH) na binawian na ng buhay ang isang Pinoy seaman ng MV Athens Bridge na nagpositibo sa India variant ng COVID-19 kamakailan.
Sa isang virtual forum nitong Lunes, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang lalaking seafarer na taga-Parañaque City ay namatay noong nakalipas na linggo.
Hindi pa inilalabas ng DOH ang kumpletong profile ng pasyente, na kabilang sa apat na kaso ng Indian variant na mula sa MV Athens Bridge na in-admit sa mga pagamutan sa Metro Manila.
Kasabay nito, iniulat din ni Vergeire na nakarekober na at nagpapagaling ang tatlong iba pang na-confine na tripulante.
Matatandaang siyam na seafarer ng MV Athens Bridge ang unang na-detect na may Indian variant.
Ang lima pa sa kanila ay kinailangang ilagay sa isolation facility at ngayon ay magaling na rin.
Samantala, nabatid na nakabalik na rin sa kanilang bayan ang dalawang unang dinapuan ng Indian variants matapos na mag-negatibo na ang mga ito sa COVID-19 test.
Patuloy pa rin naman umanong minomonitor ang isang seaman na galing sa Belgium na na-detect na may India variant din. (Andi Garcia/Jonah Mallari)