Advertisers

Advertisers

PRINCIPAL PINATAY SA LOOB NG BAHAY

0 279

Advertisers

NASAWI ang principal ng isang paaralan nang pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay Sabado ng gabi sa San Jacinto, Masbate.
Kinilala ang biktima na si James Villamor, 52 anyos, principal ng Interior Elementary School sa San Jacinto.
Sa ulat na ipinadala ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, naganap ang insidente 10:30 ng gabi sa bahay ng pamilya sa Barangay Calipatan.
Nabatid na naghahanda nang matulog ang biktima at asawa niyang si Daisy nang bigla silang pasukin ng dalawang armadong lalaki at pinagbabaril ang nauna.
Unang isinugod ang principal sa Ticao District Hospital at inilipat sa Masbate Provincial Hospital kung saan ito binawian ng buhay.
Hindi naman dinamay ng killers ang misis ng principal.
Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang insidente.
Nagsasagawa pa ng im-bestigasyon ang pulisya.