Advertisers
KASALUKUYANG nagpapagaling ang deputy governor ng lalawigan ng South Cotabato matapos tagain ng lalaki na may problema sa pag-iisip sa Sitio Glandang, Barangay Kablon.
Nasawi sa insidente si Joey Dawang, 61 anyos; at sugatan si Deputy Governor Arnold Guererro, 50, kapwa residente ng naturang lugar
Ayon kay Police Captain Jun Rey Gatera, hepe ng Tupi PNP, nangyari ang insidente 10:00 ng umaga nitong Martes. Pumasok umano ng walang pahintulot si Dawang sa Matutum Blooms Cafe and Flower Farm na pagmamay-ari ni Guererro.
Sa report, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa dahil sa pagpasok ng walang pahintulot ni Dawang hanggang sa tinaga nito ng itak si Guererro.
Gumanti si Guererro, pinaputukan si Dawang gamit ang kaniyang kalibre .45 na pistola na ikinamatay ng huli.
Nagtamo ng tama ng bala sa bandang itaas ng katawan si Dawang, habang may lacerations rin si Guererro.