Advertisers

Advertisers

Gardo kinabiliban sa pagkumbinsi sa KathNiel na mag-TikTok

0 423

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ISA sa mga naging “guest” na ni Gardo Versoza sa kanyang mga Tiktok video niya ay si Daniel Padilla na walang Tiktok account; paano niya nakumbinsi ang aktor?

“Actually hindi ko rin alam yung parang, kung ano yung  talagang dahilan e, pero kasi sila kasing magdyowa, napakabait at napaka-sweet.”



Bukod kay Daniel  ay naroroon din si Kathryn Bernardo  sa Tiktok video ni Gardo na sumasayaw sila sa saliw ng Savage Love ni Jason Derulo.

“So nung time na yun, after kong makausap si Daniel, si Kathryn naman yung kinausap ko and then iyon. Nagpapasalamat ako kasi na-enjoy din naman nila.”

Naka-lock in sila nina Kathryn at Daniel that time sa taping ng romantic comedy streaming television series na The House Arrest Of Us kaya nakapag-shoot din sila ng Tiktok videos na napanood ng mga netizen September of last year.

Nag-viral ang mga nasabing videos dahil unang beses iyon na nag-Tiktok na magkasama sina Kathryn at Daniel, bukod pa sa bigay-todong pagkembot ni Daniel na never nitong ginawa sa kahit na anong social media platform.

Naka-collaborate na ni Gardo sina Kathryn at Daniel sa kanyang mga sikat na Tiktok videos, meron pa ba siyang loveteam na nais makatrabaho?



“Pag yung sa akin kasi, ano e,  kumbaga kung sino lang yung available, or kung sino lang yung may gusto, kumbaga hindi naman ako nangha-hunting,” at tumawa si Gardo.

Regular na napapanood si Gardo sa top-rating GMA Primetime series na First Yaya.

Ang First Yaya ay pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion, kasama rin sina Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso, at sina Maxine Medina, Pancho Magno, sina Ms. Sandy Andolong at Ms. Pilar PIlap[il, at marami pang iba.

Ang mga direktor ng First Yaya ay sina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

***

DAHIL tila wala nang pag-asa ang pag-iibigan nila ni Doc Migs (Benjamin Alves) ngayong pumayag na itong magpakasal kay Trixie (Winwyn Marquez), magpapasya si Sensen (Lovi Poe) na tuluyan nang manirahan sa ibang bansa.

Todo suporta naman ang kanyang Nanay Coring (Ruby Rodriguez) sa kung ano ang ikasasaya ng kanyang puso pero si Mema Eps (Nova Villa), umaasa pa ring hindi pa huli ang lahat para sa kanyang apo at kay Migs.

Pilit namang naghahanap ng “closure” si Migs bago sila tuluyang maghiwalay ng landas ni Sensen pero magkakainitan sila ni Richard (Jason Francisco) at mauuwi pa ito sa pisikalan.

Kasabay naman sa pag-aasikaso ni Trixie ng kasal nila ni Doc Migs ang plano niyang pagpapaligpit kay Dolores na matatandaang dahilan ng pagkamatay ng tatay ni Sensen na si Oryo (Pekto Nacua).

Sa tulong nina Divina (Jackie Lou Blanco) at Mini Divi (Mahal), tutuntunin nila ang kinaroroonan ni Dolores para patahimikin ito nang tuluyan at mabaon na sa limot ang kanilang mga kasamaang ginawa.

Tuloy rin ang unti-unting pag-asenso ng mga Guipit sa buhay. Magkakaroon ng bagong negosyo ang mag-asawang Evs (Kiray Celis) at Gwaps (Buboy Villar) sa tulong ni Vida (Aiai Delas Alas). Muli ring magtatagpo si Sensen at sina Juna (Tetay) at Judith (Terry Gian) pero madidismaya ang utang-in-tandem sa pagkakataong ito.

Sa huling dalawang linggo ng Owe My Love, ramdam ang gaan sa bulsa ng mga Guipit pero mabigat pa rin ang puso at isipan ni Sensen dahil sa kanyang nararamdaman para kay Doc Migs at sa paghahanap niya ng hustisya para sa kanyang ama.

Subaybayan ang nalalapit na pagtatapos ng Owe My Love, gabi-gabi, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad!

Para sa Kapuso abroad, mapapanood ang Owe My Love sa GMA Pinoy TV.