Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA episode ng Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition, nagkaroon ng pagkakataon na isalang ni Cassy Legaspi ang guest na si Sanya Lopez sa “Jojowain o Totropahin” challenge.
Hindi naman inurungan ng sexy Kapuso actress ang challenge at kumasa ito sa hamon ng young actress.
Nagbigay ng listahan ng mga pangalan ng Kapuso male celebrities si Cassy na mamimili siya kung type niyang maging dyowa o tropa ang mga ito.
Ani Sanya, gusto niyang dyowain si Alden Richards dahil super bait daw nito noong magkasama sila sa Encantadia.
Type rin niyang maging dyowa si Rayver Cruz dahil bata pa lang daw siya ay super crush na niya ito at impressed siya sa pagsasayaw nito.
Sobra namang pormal at propesyonal ang pagkakakilala niya sa kanyang First Yaya leading man na si Gabby Concepcion at dahil bilib siya rito, gusto rin daw niyang dyowain ito.
Gusto namang tropahin ni Sanya sina Ruru Madrid, Ken Chan at Pancho Magno.
***
MADALAS na nababatikos noon si Jericho Rosales dahil sa isyu ng pag-iingles niya.
May mga pagkakataon kasi naa-awkwardan daw minsan ang kausap niya kapag bumabanat na siya ng Ingles.
Aminado naman si Jericho na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral at walang degree na nakumpleto sa kolehiyo.
Gayunpaman, bagama’t naniniwala siya na may edge ang isang taong titulado, wala pa rin daw papalit sa sipag at tiyaga para magtagumpay ang isang tao sa buhay.
Proud si Echo na lumaki siyang street-smart at nag-aral sa public school.
Kung at home na raw siya sa pagsasalita ng Ingles, ito raw ay produkto ng kanyang pagtatanong at pagiging mausisa.
Sey niya, kapag may bagay daw o salita na bago sa kanyang bokabularyo, hindi raw siya nahihiyang magtanong at kinakarir talaga niya ang pagsasaliksik.
Hirit pa ni Echo, through self-study and guidance of friends and mentors din daw siya natuto sa pagsasariling-sikap.
Pagbabahagi pa ni Echo, kung bibigyan daw siya ng pagkakataon na makapag-aral, ang kursong kukunin niya ay may kinalaman sa business o kaya’y film making.