Advertisers
Ni Beth Gelena
Hindi pa rin maka-move on si Rochelle Pangilinan sa muling pag-apak sa entablado ng Eat Bulaga kasama ang SexBomb Girls noong Sabado, Setyembre 19.
Matapos ang ilang taon, muling nagsama-sama ang grupo sa noontime show na naging malaking bahagi ng kanilang pagsikat at naging tahanan din ni Rochelle sa pagsisimula ng kanyang showbiz career.
Nag-perform ang SexBomb Girls ng kanilang mga awiting “Baile” at “Mama Mama,” ang kanilang bagong single.
Sa kanyang social media post matapos ang kanilang pagbabalik, emosyonal na ibinahagi ni Rochelle ang kanyang nararamdaman.
“Hindi pa rin ako maka-move on sa pagbalik namin sa EB stage.
Ibang klaseng saya, ibang klaseng feeling… lalo na’t dito nagsimula ang napakaraming pangarap, kwento at alaala ng SexBomb Girls.
Parang kahapon lang… pero ang sarap balikan.
“Maraming salamat, Eat Bulaga, sa muling pag-uwi sa amin sa entabladong naging malaking bahagi ng buhay namin,” wika ni Rochelle.
Lalo pang naging makahulugan ang kanilang pagbabalik dahil nitong Agosto lamang ay hindi nakasama si Rochelle sa guesting ng SexBomb Girls para sa 47th anniversary ng Dabarkads noontime show
Noong panahong iyon, naiulat na hindi siya pinayagang mag-guest dahil nasa kabilang Network siya.
Kaya naman naging espesyal para sa mga Dabarkads ang kanyang aktuwal na pagbabalik sa entablado, kamakailan.
Una munang nagtanghal ang SexBomb Girls bago tuluyang lumabas si Rochelle. Naging bahagi pa ng biruan ng mga host ang kanyang pagkawala bago siya ipinakilala at nag-grand entrance sa entablado.
Sa muling pagsasama ng grupo, hindi rin napigilang maglabas ng emosyon ang kanilang mga tagahanga.
Kabilang sa mga komento ng netizens:
“Supeer inabangan ko yung pag guest nyo sa eat bulaga
Isa po ako sa mga pinalaki ng Sexbomb kayaa super nakakaexcite na makita kayo ulit sa EB stage”
“Welcome Back atleast maayos na muli ang inyong samahan sa Dabarkads.More Power to you Rochelle.”
“Dahil marunong kayong lumingon sa pinanggalingan, makakarating kayo sa inyong paroroonan…”
Isang tagahanga naman na nasa ibang bansa ang natuwa dahil muli niyang napanood si Rochelle at ang SexBomb Girls sa EB.
“Sa totoo lang po kayo lang po ang kilala ko sa sexbomb kasi nagmoved na po ako sa ibang bansa wala po akong Filipino channel. Im grateful with YT ay nakapanood na ko ng Filipino shows. Im really glad to see you back in EB. Hope thats not the last. Good luck po and thank you!”
May isa rin na nagpahayag ng saya at pasasalamat sa pagbabalik ni Rochelle.