Advertisers
Dinakip ang 61-anyos na lalaking wanted sa Pasig sa kasong panggagahasa — sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) noong gabi ng Setyembre 23, sa Mexico, Pampanga!
Kilala bilang alyas “Mike”, taga-Barangay Bagong Ilog, Pasig City — inaresto siya sa utos ng korte.
Ang krimen: Inanyayahan niya sa kanyang bahay ang 8-anyos na bata at dito ginawa ang karumal-dumal na gawain. Natuklasan lamang ito nang ikuwento ng biktima sa kaibigan, na siya namang nagbalita sa ina — kaya isinampa ang kaso.
Nagtago siya sa Fiesta Communities, Barangay San Isidro, Mexico, Pampanga — ngunit natunton at hinuli ng EPD District Mobile Force Battalion kasama ang Pampanga Provincial Intelligence Unit, bandang 7:40 ng gabi.
Dinala na siya sa Pasig City Police Station para sa kustodiya at paglilitis.
Ayon kay PBGen. Roman Roman Arugay, EPD Director:
“Saanman magtago, gaano man katagal — hahanapin at ihaharap namin sa hustisya ang mga may pananagutan.”
Patuloy ang pagtugis ng EPD sa lahat ng lumalabag sa batas — walang takas, walang patawad! (Edwin Moreno)