Advertisers

Advertisers

Skusta, dedma sa adoption issue ng anak

0 19

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Naging talk of the town ang balitang opisyal nang inampon ng basketball player na si Bobby Ray Parks Jr., sina Lucas at Bia, mga anak ni Zeinab Harake sa kanyang previous relationship.

Si Bia ay anak ni Zeinab sa rapper na si Skusta Clee samantalang si Lucas ay legal na inampon ni Harake noong baby pa ito.



Sa kaso rin ni Lucas, hindi naman na-establish kung sino ang biological father nito.

Anyway, bagamat may pumuri kay Bobby sa ginawa nitong pag-ako at pagbibigay ng pangalan sa mga anak ng misis,may mga dalahira ring sinisilip ang anggulo ng diumano’y tila pagkakait ng karapatan ng YouTuber sa ex na si Clee sa kanilang supling.



Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.

“Zeinab is lucky that Bobby is man enough to give his name to her kids.”



“In fairness kay Bobby, he really loves Zeinab.”

“Whatever happened to Skusta’s right to their kid?”

“Baka naman nag-usap na sila.”

“Matagal na silang not on speaking terms.They ended up not ok because Z accused him of infidelity.”

“Nilaglag talaga ang ex.”

“I was wondering how they convinced Clee to the adoption.”

“Am happy for them.”

“Kudos to Park for taking on the role of a dad to Bia and Lucas.”

“Wag daw istorbohin si Skusta. Busy siya kay BINI Jhoanna.”

Sa kanya namang FB account, nagbigay ng mensahe si Skusta tungkol sa pag-enjoy sa buhay at pagtanggap sa mga pagkakamali bilang bahagi ng pagkatuto, bagay na agad na napansin ng kanyang mga tagasubaybay.

“Enjoyin niya yung buhay, guys na paka saya mabuhay,” saad ni Skusta. Dagdag pa niya: “Wag ka matakot magkamali, normal yun. Katunayan yun na nabubuhay ka at may aral na kapalit yun.”

Kumbaga, dedma lang siya sa isyu ng legal na pag-ampon sa kanyang anak ng partner ng ex na si Zeinab.