Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NAPAG-usapan nina Pia Wurtzbach, Bianca Guidotti at Carla Lizardo sa isang episode ng podcast na Between Us Queens ang mga tinatawag na “`red flag” sa mga naging karelasyon nila.
Ibinahagi ni Miss Universe Pia na may dine-date siya na lalaki for two years.
“Hindi ko namalayan na mali na pala nangyayari. I thought that it was normal. And of course you love the guy,” paliwanag ni Pia sa tinakbo ng kanilang relasyon bago siya naging Miss Universe.
Ayon pa kay Pia ay sobrang seloso raw ng boyfriend na pinagbabawalan siyang makipagkaibigan sa mga lalaki. Pati raw beki ay pinagseselosan ng boyfriend. Maging ang cellphone niya ay pinakikialaman nito at binubura ang number ng mga male friends niya.
Umabot pa na kailangan daw humingi pa siya ng permiso sa boyfriend bago siya lumabas kasama ang mga kaibigan.
“Yung pag napu-push na yung boundaries mo kahit di mo namamalayan,” say ni Pia sa demanding na boyfriend kaya humingi na siya ng space.
Pero dinadaan daw siya sa matatamis ng salita ng bf kaya nakalilimot siya sa katotohanan na may problema siya sa karelasyon.
“He will always say, ‘I wanna be with you’ and in that moment you think, `oh, that`s so sweet. He just wants to be with me, but later I would realize I had not gotten any work done, seen her friends, nor finished what I needed to do.
“Sometimes we don`t notice that, wait a minute, something wrong is already happening but because it`s with my boyfriend and somebody who I`m supposed to be trusting, it`s being masked.”
Sa kasalukuyan ay masaya si Pia sa businessman boyfriend na si Jeremy Janncey.
***
Net 25 palaban na rin sa pabonggahan ng show at laging handang tumulong sa entertainment press
Pagdating sa pagtulong ay tahimik lang ang ginagawa na pagbibigay ng ayuda sa kapwa lalo na sa entertainment press ng Net 25 thru their PR man Cesar Batingal.
Bukod sa mga show ay bukas din sila sa mga baguhan o sa mga walang project para bigyan ng pagkakakitaan. Sayang nga lang at nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Janno Gibbs sa co-host nito kaya pareho silang tinanggal bilang host.
Ngayon ay nagparating ang Net 25 thru Mr Batingal ng ayuda sa grupo ng Phililppine Movie Press Club (PMPC).
Hindi hangad ng Net 25 makipagsabayan o makipagkompetensya sa ibang network. Hangad lang nila ay makatulong sa lahat.
Mabuhay ang Net 25!