Advertisers

Advertisers

PAGPAPALAKAS SA KAKAYAHAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO

0 4

Advertisers

Hindi sapat na magkaroon lamang ng trabaho.

Mahalaga ring matiyak na ang bawat manggagawa ay may sapat na kasanayan upang makasabay sa nagbabagong panahon.

Ang manggagawang Pilipino ang isa sa pinakamahalagang puhunan ng bansa. Kaya nararapat lamang na patuloy silang mabigyan ng suporta at oportunidad.

Isang positibong hakbang ang pagpapaigting ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga programa para sa upskilling ng mga manggagawa.

Mahalaga rin ang layunin ng pamahalaan na makalikha ng mas maraming dekalidad na trabaho para sa mga Pilipino.

Kasabay nito ang pagsisikap ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapataas ang sahod ng mga manggagawa upang mas matugunan nila ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Malaking tulong din ang pagpapalawak ng “Trabaho Agad” job fairs sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa pamamagitan nito, mas maraming Pilipino ang nagkakaroon ng pagkakataong makahanap ng trabaho nang mas mabilis.

Kapuri-puri rin ang pakikipagtulungan ng DOLE sa TESDA upang mapalawak ang mga programa sa skills training.

Importante ang mga pagsasanay na ito upang maging handa ang mga manggagawa sa mga bagong oportunidad sa loob at labas ng bansa.

Hindi lamang trabaho ang dapat ibigay sa mga Pilipino.

Aba’y dapat ding tiyakin na may sapat silang kakayahan upang mapanatili at mapaunlad ang kanilang hanapbuhay.

Kung magpapatuloy ang ganitong mga programa, mas magiging matatag ang ating labor force at mas magiging handa ang mga manggagawang Pilipino sa mga hamon sa hinaharap.

Malinaw na ang pamumuhunan sa kakayahan ng bawat manggagawa ay pamumuhunan din sa mas maunlad na ekonomiya at mas magandang kinabukasan ng Pilipinas.
***
Catch Gilbert Perdez on “TODO BALITA” every Saturday from 4:00 AM to 5:00 AM on DWIZ 882 AM and ALIW Channel 23, and on “BRGY. 882” from 7:00 AM to 8:00 AM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ 882 AM, the DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ On-Demand on YouTube. For comments and inquiries, you may contact him by email at gil.playwright@gmail.com.