Advertisers

Advertisers

NEW MARKET VOLUNTEER FIREMEN, PINARANGALAN NG MANILA FIRE DISTRICT

0 8

Advertisers

SA ilalim ng liderato ni FCSUPT. Roy Roderick Aguto, Regional Director ng BFP National Capital Region, nagbigay ng parangal ang Manila Fire District (MFD) sa ilalim ni FSSUPT. Eddie Tanawan, District Fire Marshal, sa mga volunteer firefighters para sa kanilang magaling na pagresponde, matibay na dedikasyon at mahalagang tulong sa dalawang naganap na sunog sa Maynila kamakailan.

Ang mga pinarangalan sa ginanap na MFD flagraising ceremony na hosted ng Investigation and Intelligence Section (IIS) and Public Information Section (PIS) ay ang New Market Merchant Fire Volunteer Brigade at kanilang firefighter-members na sina Jester Wong, Carl Bayot, Jester Wong, Jr. at Lou Leonard, kasama na din si Station 1, Chief Fire Engine Company FSINSP. Ronald Lim. Lahat sila ay kinilala dahil sa kanilang kabayanihan.

Iginawad ang naturang parangal kaugnay ng tulong na ibinigay ng mga nasabing volunteer firemen sa 1st Alarm na sunog sa isang residential cluster sa Barangay 20, Isla Puting Bato nitong June 20, 2026 at gayundin, sa sunog na naganap sa ikapitong palapag ng residential-commercial building sa C.M.Recto Avenue corner Tomas Mapua St., Sta Cruz , Manila noong June 19, 2026 kung saan walong katao ang matagumpay na nailigtas. (JERRY S. TAN)