Advertisers

Advertisers

Postponed na naman ang BSKE, nasayang P8b!

0 9,315

Advertisers

POSTPONED na naman ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE)!

Oo! Nilagdaan nitong Biernes, Sept. 25, 2026, ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. ang panukalang naglalayong palawigin ang termino ng mga opisyal ng barangay at ipagpaliban ang naturang halalan sa sunod na dalawang taon, na orihinal nakatakda ng Nob 2, 2026.

Inanunsyo ito ng Palasyo, ilang araw bago ang nakatakdang pagsisimula ng filing ng certificate of candidacy (COC) sa Lunes, Sept. 28.



Sa Presidential Communications Office (PCO) press briefing sa Batac City, Ilocos Norte, kinumpirma ni Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, na pinirmahan na ito ng pangulo.

Aniya, nakita ng mga kongresista at ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng papel ng mga barangay official.



Isa na aniya rito ang pagmo-mobilize sa mga opisyales ng barangay para sa pagsugpo ng krimen.

Sila rin aniya ang nangunguna sa pagresponde sa baha, at maging sa pagsasaayos sa pagtatapon ng basura.



Idiniin naman ng Palasyo na ang pag-e-extend ng termino ay hindi para maging ‘hayahay’ ang kanilang mga buhay, kundi para sila ay magtrabaho.

Matatandaang hindi na pinagbangga ang panukalang Senate Bill 2387 sa bicam, dahil in-adopt na ito ng House of Representatives, at iniakyat sa Palasyo.

Sa ilalim ng batas, limang taon na ang termino ng Barangay at Sangguniang Kabataan officials.

Pero mayroong isang reelection ang barangay officials, habang isa lang sa SK.

Ito ang ikalawang postponement ng BSKE.

Surely magbo-blowout ang mga ga-graduate na sanang tamad na mga opisyales.

Hayahay uli ang kanilang buhay sa sunod na dalawang taon. Fuck!

***

Sa pag-postpone sa BSKE, nasayang lang ang halos P8 bilyong ginastos sa paghahanda, pagpaimprinta sa mga balota.

Pero malaking tipid ito para sa mga mayor, gobernador at congressman na nagiging takbuhan o nagsisilbing financier ng mga kandidato sa BSKE. Mismo!

***

Palalim nang palalim ang mga nabubunyag na raket at negosyo kuno ng mag-asawang Vice President Sara Duterte at Atty Mans Carpio sa pagpapatuloy ng Impeachment Trial.

Nabunyag ito sa pagtestigo ng mga opisyales ng Securities and Exchange Commission (SEC), kungsaan naitayo ng mag-asawa ang kanilang mga negosyo simula nang mapasok sa politika – Vice Mayor, Mayor, hanggang Bise Presidente, si Sara.

Ang naging mali dito ay hindi manlang bumitaw si Sara sa naturang mga negosyo kahit Bise Presidente na siya. Nasilip siya sa kaso ng ‘conflict of interest’, sinasabing ginamit niya ang kanyang kapangarihan para makorner ang mga negosyo.

Natuklasan na karamihan ng negosyo niya ay kumikita sa gobierno. Boom!