Advertisers
NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang parsela na naglalaman ng humigit-kumulang 743 gramo ng pinaghihinalaang hilaw na ecstasy na may tinatayang halaga na P3,157,750 sa Central Mail Exchange Center (CMEC) Pasay City noong Biyernes, Setyembre 25, 2026
Ayon sa report ng BOC-Port of NAIA, isang nagpakilalang claimant ang inaresto habang nasa EMS Window upang kunin ang parsela.
Ang parsela, na dumating mula sa Canada noong Setyembre 15, ay idineklarang naglalaman ng mga bag at backpack, damit pambata, tsokolate at kendi, laruan ng mga bata, supplements, sapatos, at tsinelas.
Nang suriin, natuklasan ng mga tauhan ng Customs ang pinaghihinalaang ilegal na droga na nakatago sa loob ng kargamento. (JOJO SADIWA)