Advertisers
Sabihin na ng mga nakarinig at nakapanood ng ibat ibang pahayag ng apat na Amici Curiae o Friends of the Court nitong nakaraang linggo na nalabag daw ang Constitution hinggil sa 2/3 threshold vote na napapaloob sa Impeachment Power ng Senado, tuloy pa rin ang inihayag ng Senate Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero na ang base ng numero ng mga bobotong Senador-huwes ay ang mga physically present sa simula ng pagdinig sa kaso ni Sara Duterte.
Bagamat sa pahayag nina Ex CJs Hilario Davide, Artemio Panganiban, Reynato Puno at Associate Justice Adolf Azcuna na bukod tangi ang huli — ang naghayag na ang Constitution nuon pa ang dapat masunod na 2/3 threshold vote ng all members of the Senate ang kinakailangan para madesisyunan ang kaso ni Duterte, convicted o acquitted man.
Napaka-sensual and practical naman talagang isipin na sa 24 na Senador na umuupong huwes sa pagdinig ng IMPEACHMENT CASES — na ang apat sa kanila ay di man lang nakinig ng personal at dumalo sa mga manipestasyon, interpelasyon o argumento sa loob ng halos 30 araw na nang pagdinig—ay papayagang bumoto sa kaunaunahang kasong ito ng talamak na pagwawalang- bahala sa kahalagahan ng Constitution at paglustay ng pera ng bayan at gayun na rin sa pagbabanta sa buhay ng Pangulo ng bansa, kanyang asawa at sa dating HoR Speaker na si Martin Romualdez?
Sabihin na nating due process ang primordial na iginigiit ng mga dumidepensa kay Duterte — na makikita naman sa tunay na nagaganap sa Senate court na inilalatag ng korte ni Escudero na pantay namang iginagawad sa respondent na bise presidente! … hindi naman siguro naba-violate ang karapatang pantao ng nahahabla. Si Duterte mismo ang dapat na humarap sa pagdinig — na sa dami ng maalwang panahong lubos niyang maipahiwatig ang buong saloobin — tinanggihan ito hanggang sa ngayon.
Marami ang nagsasabi na siya lang ang BUKOD TANGING MAKAPAGPAPALIWANAG NG LAHAT NG MGA AGAM-AGAM AT AKUSASYON TUNGKOL SA MGA PINAGUUSAPAN NGAYON NA KASONG ISINAMPA SA KANYA NG BANSANG NAGHAHANAP NG KATARUNGANG PANLIPUNAN.
AT NASASABI NGA NG MGA AMICI CURIAE — IT’S ONLY THE SENATE IMPEACHMENT COURT THAT IS EMPOWERED BY THE CONSTITUTION TO TRY AND DECIDE ALL IMPEACHMENT CASES….THE SUPREME COURT CAN ONLY ACT ON ANY COMPLAINT SHOULD THERE BE AN EXPRESSED ABUSE OF DISCRETION BY SAID IMPEACHMENT COURT.