Advertisers

Advertisers

DPWH: WALANG GHOST PROJECTS IN TAGUIG

0 3

Advertisers

Diretsahang kinumpirma ni Public Works Acting Secretary Vince Dizon nitong Biyernes na walang ghost projects sa Taguig.
Lumabas ito sa pagtatanong ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa pagdinig ng Senado sa panukalang Department of Public Works and Highways (DPWH) 2027 proposed budget nitong September 25.
“Meron bang ghost projects sa Taguig?” tanong ng Taguigeñong senador kay Dizon.
Agad naman itong sinagot ng kalihim: “Sa aming imbestigasyon, wala po.” Kabuuang 107 ang mga proyekto ng DPWH sa Taguig at bawat isa ay may “accomplishments,” ayon kay DPWH Undersecretary Ricardo Bernabe III.
Ginarantiya rin ng ahensya na bukas ang kanilang imbestigasyon sa media at lahat ng nais makaalam sa detalye nito.
“So klaro iyon ha,” wika ni Cayetano.