Advertisers

Advertisers

‘RENTANGAY QUEEN’ ARESTADO

0 5

Advertisers

NAARESTO ng mga operatiba ng Bulacan PNP ang  tinaguriang ‘Rentangay Queen,’ habang hiwalay namang nadakip ang mister nito sa bayan ng San Rafael ng nasabing lalawigan.

Ang suspek ay kinilalang si Janice Aguilar alyas Mary Jane Rojo,  Barangay Longos, Malabon.



Samantala, ang live-in partner nitong si Allan Genores ay residente ng Pamplona Tres, Las Pinas City. 

Nabatid na naunang nakalaya si Generoes matapos maglagak ng piyansa.



Si Aguilar ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Presiding Judge Emmanuel Benedict Cervantes Evangelista ng San Rafael Municipal Trial Court.

Modus-operandi ng mga ito ay magpapakilalang nagnenegosyo ng Grab o mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) operator.



Isang negosyanteng babae ang nilapitan ng mga ito para isangla ang umano’y Toyota Vios na pag-aari nila at gamit sa negosyo sa Grab.

Nagpakita ang mga suspek ng mga OR-CR ng sasakyan saka isinanla ang sasakyan sa halagang P350,000.

Sa pag-aakalang sila ang tunay na may-ari, napapayag ang biktima na bayaran bilang sanla ang mga suspek. Nangyari ito October 2025.

Sa kasamaang palad, ang tunay na may-ari ng Toyota Vios na ayaw nang magpabanggit ng pangalan ay dumulog sa pulisya.

Natunton ang kanyang sasakyan saka tinangkang arestuhin ng mga awtoridad ang biktimang pinagsanlaan ng mga suspek

Sa presinto, naliwanagan na biktima rin ang negosyante at doon na natukoy ang kabuktutang gawi ng mag-asawa.

Peke pala ang ipinakitang OR-CR na ipinagawa lamang sa Recto, Maynila saka inarkila sa unang biktima at isinanla naman sa ikalawa nilang biktima.

Nabatid na si Aguilar ay may rekord din sa National Bureau of Investigation, ayon pa sa report.

Kaugnay nito, nanawagan ang pulisya sa iba pang nabiktima ng Rentangay na kilalaning mabuti ang ‘mugshot picture’ ng suspek upang matukoy kung ito rin ang nanloko sa kanila gamit ang ‘rentangay scheme.’