Advertisers
Nasa 11 bahay ang nasira nang manalasa ang isang buhawi sa Brgy. Casalsagan sa Pototan, Iloilo, Biyernes ng hapon.
Ayon sa mga residente, biglang bumuhos ang malakas na ulan at kasabay nito ang napakalakas na hangin, dahilan upang masira ang kanilang bahay at ang iba naman ay natanggal ang mga bubong.
Patuloy pa ang pagtukoy ng MDRRMO Pototan sa halaga ng pinsala na dala ng buhawi.
Nakalikas sa evacuation center ng barangay ang mga apektadong pamilya.
Nagpadala ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Pototan sa mga naapektuhan ng buhawi.