Advertisers

Advertisers

2 pulis patay, 11 sugatan sa ambush sa OccMin

0 368

Advertisers

Patay and dalawang pulis habang 10 ang sugatan sa pananambang ng mga armadong miyembro ng communist terrorist group (CTGs) sa may Sitio Banban, Barangay San Nicolas, Magsaysay Occidental Mindoro 10:30 ng umaga nitong Biyernes.

Ayon kay PRO-4B regional police director B/Gen. Nelson Bondoc binabaybay ng mga tauhan ng 1st Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company ang nasabing lugar nang bigla na lamang silang pinaulanan ng bala ng mga armadong NPA ang convoy ng mga pulis.

Kinilala ni Gen. Bondoc ang nasawing pulis na si PEMS Jonathan Alvarez at PCpl. Estan Gongora.



At ang mga sugatan kinilalang sina PSSg Dexter King Sagun, Pat Armando Pulido, PCpl Kim Jason Dimalaluan, PSSg Edwin Vergara, PSSg Michael Sualog, PSSg Michael Enero, PSSg Nolito Develos, Pat Sonny Soriano, Pat Jayrald Insigne, Pat Darwin Equilla at Pat Bayani Salgado.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang hot pursuit operations ng PNP kasama ang AFP laban sa mga rebelde.

Nakarekober ng mga pulis ang isang M16 rifle, dalawang long at dalawang short magazines with loaded ammunitions at isang jungle pack mula sa mga rebelde.