Advertisers

Advertisers

P1.3m shabu huli sa buy bust sa Bulacan

0 417

Advertisers

AABOTsa P1.3 million halaga ng shabu na tumitimbang ng 205 gramo ang nakuha ng pulisya sa buy bust operation sa Barangay Muzon, San Jose del Monte, Bulacan, Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Dennis Perez, Irene Torda, Ronald Buentipo at David Martin, pawang nasa hustong gulang. Nakuha sa mga ito ang 14 medium size ng plastic sachet ng shabu.

Samantala, dalawa pang drug pushers ang nadakip sa hiwalay na buy bust ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit sa Bgy. Mojon, Malolos City.



Kinilala ang mga nadakip na sina Pete Paul Javier at Dan Anthony Dimagiba, kapwa nasa hustong gulang.

Nakuha mula sa dalawa ang 14 plastic sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600.
Arestado rin ng mga operatiba ng Barangay Intelligence Network at CIDG, Dona Remedios Trinindad PNO ang dalawang wanted persons na sina Jaime Aido at Mark John Gallego.(Thony D. Arcenal)