Advertisers
DINAKIP ng mga elemento ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP IMEG) ang isang pulis na nangongotong sa mga aplikante ng PNP sa isinagawang entrapment operation sa Caloocan City.
Kinilala ang inaresto na si SSgt. Joel Zalun Bunagan, 37 anyos, ambulance driver ng PNP General Hospital Health Service ng North Fairview, Quezon City.
Ayon kay PNP Chief, General Guillermo Eleazar, 3:00 ng hapon nang isinagawa ng mga elemento ng PNP-IMEG sa Waling-waling Street, Sampaguita Subdivision, Barangay 175, Camarin, Caloocan City.
Isinagawa ang entrapment operation base sa reklamo ng mga aplikante ng pangongotong ng pulis ng P100,000 kapalit ng pagpasa sa medical examination.
Ipinag-utos na ni Eleazar ang paghaharap ng kasong kriminal at pagsasailalim sa summary dismissal proceeding laban kay Ssgt Bunagan.(Mark Obleada)