Advertisers
Naglabas ng mil-yong piso ang Associated Marines Officers Seamans Union of the Philippines (AMOSUP) na pambili ng bakuna para sa libong Pinoy seaman na kailangan bakunahan.
Ipinahayag ni former Vice Admiral at ngayon Bise Presidente Eduardo Ma Santos, na anumang araw ngayon buwan ng Hunyo, nakatakdang dumating ang Moderna o Novovac na ituturok sa mga marino bago sumakay ng mga ocean going vessels.
Ayon kay Santos, may libong overseas Filipino seafarers ang kailangan bakunahan para sa kanilang kaligtasan at upang maluwag na tanggapin ang mga ito sa mga bansang kanilang pupuntahan.
Nagpasalamat si Santos kay Presidential Adviser Joey Concepcion na isinama ang marinon sa pagbili ng bakuna. Maging ang negosyanteng si Ricky Razon tumulong para ma-kabili ng bakuna sa ilalim ng private vaccine program ng mga negosyante.
Samantala, tiniyak din ni Marina Administrator Robert Empedrad na makakasama ang mga Pinoy seafarers kapag umarangkada na pagbabakuna sa mga A4 category.