Advertisers

Advertisers

2 TRAFFIC ENFORCERS NIRATRAT NG RIDING IN TANDEM

0 403

Advertisers

DEAD on the spot ang isang traffic enforcer, habang nalagutan ng hininga sa pagamutan ang kasamahan nito nang barilin ng riding in tandem criminals sa Barangay Kalbaryo, Meycauayan City, Martes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Manny Alcanar at Danilo Nunez, kapwa on duty nang pagbabarilin 8:00 ng gabi.

Sa ulat, nasa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan nang pagbabarilin ang mga biktima ng hindi pa nakilalang mga salarin na armado ng maikling kalibre ng baril.



Ayon sa report, nakuha sa pinangyarihan ng pamamaril ang 6 basyo ng caliber 9MM na baril.

Isang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ni Alcanar, habang nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril si Nunez.

Nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa krmen. (Thony D. Arcenal)