Advertisers

Advertisers

Covid update: 5,462 bagong kaso; 7,854 gumaling; 126 nasawi

0 450

Advertisers

UMABOT sa 5,462 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Hunyo 9.

Samantala ay mayroon namang naitalang 7,854 na gumaling at 126 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.2% (54,000) ang aktibong kaso, 94.1% (1,210,027) na ang gumaling, at 1.73% (22,190) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Hunyo 7, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 labs na ito ay humigit kumulang 2.1% sa lahat ng samples na naitest at 2.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)