Advertisers
INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang pinayuhan muli si Mayor Inday Sara-Duterte Carpio na huwag nang tumakbo bilang presidente ng bansa sa 2022 elections.
Sinabi ito ng Pangulo nang tanungin ni Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Pangulong Duterte, nang umuwi siya sa Davao nitong nakaraang araw ay kinausap niya uli ang anak upang ipaalala ang hirap ng responsibilidad kapag naging lider ng bansa.
Kabilang dito na puro trabaho na lamang umano ang presidente, gayundin na maliit lamang ang suweldo at magiging bilyonaryo lamang ang “uupo” kung ito ay corrupt na opisyal.
Dagdag din ang makakasagupan na iba’t ibang paninira ng mga kritiko at nasa oposisyon.
Samantala, inihayag na ni Digong na may napipisil na siya kung sino ang maaaring pumalit at maipagpatuloy ang kanyang mga nasimulan ngunit iaanunsyo niya ito sa darating na panahon.
Matatandaang, nangunguna si Mayor Inday Sara sa mga isinagawang survey na papalit sa kanya bilang Pangulong ng bansa.