Advertisers

Advertisers

Matapos pagsabihan ni Duterte na mag-aral muna… PACQUIAO RUMESBAK!

0 280

Advertisers

KINONTRA ni Senador Manny Pacquiao ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat muna niyang pag-aralan pang mabuti ang foreign policy ng Pilipinas bago magkomento sa pananakop ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pacquiao, bagaman iginagalang niya ang opinyon ng Pangulong Duterte, siya ay pakumbabang tumututol sa pagtatasa ng huli sa kanyang nalalaman ukol sa foreign policy.

“I firmly believe that my statement reflects the sentiment of majority of the Filipinos, that we should stand strong in protecting our sovereign rights while pursuing a peaceful and diplomatic solution to the dispute,” sinabi ng senador sa isang pahayag na ipinadala sa mga mamamahayag.



“I am a Filipino voicing out what needs to be said in defense of what has been adjudicated as rightfully ours,” ayon pa sa senador.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte kay Pacquiao na mababaw pa ang kaalaman nito tungkol sa polisiya ng administrasyon sa West Ph Sea, na inaangkin ng China sa kabila ng 2016 arbitral ruling pabor sa Pilipinas.

Nagbigay ng komento ang Pangulong Duterte isang buwan matapos na magpahayag si Pacquiao na nalalambutan siya sa posisyon ng Malakanyang sa isyu sa West Philippine Sea kumpara sa mga naipangako ni Pangulong Duterte noong ito ay nangangampaniya pa noong 2016.

“Nakukulangan ako doon, kumpara doon sa bago siya tumakbo eleksyon pa lang. Dapat ituloy niya yun para magkaroon ng respeto sa atin ang China,” ani Pacquiao sa isang virtual press conference nitong nakaraang Mayo.

Partikular pa nitong binanggit ang sinabi ni Pangulong Duterte na mag-jet ski siya sa Spratlys at itatanim ang bandera ng Pilipinas.



Sina Duterte at Pacquiao ay kapwa namumuno sa PDP-Laban bilang chairman at acting president.

Samantala, maugong ang usap-usapan na tatakbo si Pacquiao bilang Presidente sa 2022.

Sinabi naman ng Malakanyang na nananatiling magkaalyado sina Duterte at Pacquiao.