Advertisers
NAKAPAGTALA muli ang Department of Health (DOH) ng 7,302 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Linggo, Hunyo 13.
Samantala ay mayroon namang naitalang 7,701 na gumaling at 137 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.6% (59,865) ang aktibong kaso, 93.7% (1,232,986) na ang gumaling, at 1.73% (22,788) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 11, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.17% sa lahat ng samples na naitest at 0.18% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)