Advertisers

Advertisers

Hazard pay at allowance ng health frontliners ‘di pa rin naibibigay!

0 253

Advertisers

SINABI ni Department of Health (DOH) Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega na hanggang ngayon ay hindi parin naibibigay ang hazard pay at special risk allowance para sa health frontline workers mula Enero hanggang Hunyo ng taon.

Ayon kay Vega, hinihingi na nila ito ngunit ipinoproseso pa ng Department of Budget and Management (DBM).

Matagal nang idinaraing ng health workers na siyang nasa forefront ng giyera ng bansa laban sa Covid-19 ang kanilang mababa at delayed na sahod.



Hindi parin nila natatanggap ang kanilang hazard pay simula nitong Enero.

“‘Yung hazard pay saka special risk allowance… itong January hanggang June 2021 ito hinihingi namin sa DBM… ‘Di pa nare-release pero alam ko nagagawa na ito,” ayon kay Vega sa panayam sa radyo.

Sinabi rin ni Vega na marami nang health workers ang nagbibitiw sa kanilang trabaho, at nagpahayag ng pangamba na magresulta ito sa ‘understaffing’ sa mga pagamutan.

Upang masolusyunan ang problema, sinabi ni Vega na nagbukas sila ng 10,300 health worker positions sa buong bansa upang madagdagan ang operasyon sa health facilities.

Una nang tiniyak ng DOH sa publiko na may sapat na pondo ang pamahalaan para magdagdag ng health workforce sa gitna ng COVID-19 cases surge.



Sinabi rin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na binigyan na ng DOH ng sapat na pondo ang mga pagamutan para sa direktang hiring ng mga health workers. (Andi Garcia/Jonah Mallari)