Advertisers

Advertisers

IBALIK ANG TERORISTANG SI JOMA – NTF ELCAC

0 467

Advertisers

ITUTULAK ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Dutch government ang pagpapa-deport kay Jose Maria Sison, ang founder of Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), upang maibalik dito sa Pilipinas at malitis sa mga kasalanan ng kanyang itinatag na samahan sa mga paglabag sa International Humanitarian Laws (IHL), kabilang ang pagpapasabog ng Anti-Personnel Mine (APM) ng mga NPA na ikinamatay ng football player na si Keith Absalon, ng kanyang pinsan, at ng 16 na taon gulang na kamag-anak.

Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan, sinabi ni Usec. Nonoy Catura, tagapagsalita ng task force sa larangan ng Human Rights, na dadalhin nila ang panawagan sa United Nations, lalo na sa Ottawa, Canada kungsaan may nakatakdang pagpupulong na gagawin hinggil sa Anti-Personnel Mine (APM) Treaty Convention na inilatag pa noong 1997 na siyang nagbabawal ng paggamit ng APM lalo na ng mga teroristang grupo.

“All European nations, including the Netherlands, have ratified and acceded to this (banning of APM),” ang sabi ni Catura, na ipinupunto ang pananatili ni Sison sa Netherlands sa umano’y panggigipit sa kanya ay puno na ng kapalpakan dahil patuloy itong naguutos sa CPP-NPA-NDF at kanilang mga front organizations na magsagawa ng pag-atake gamit ang mga APM bilang opensa sa mga tropa ng pamahalaan at kalimitan ay nakadadamay ng mga sibilyan.



Dagdag pa ni Catura, ang maling pagpatay kay Keith Absalon at kanyang pinsan gamit ang pinasabog na APM ay magsisilbing susi upang maging pang-daigdigan ang kanilang panawagan na maibalik si Sison sa bansa upang harapin ang mga ganitong kaso ng karahasan. Maaari na nga raw tawagin din na ang APM ay “Absalon Precedent in Masbate”, na tumutugma sa panawagan sa hustisya para sa mga kagagawan ng CPP-NPA-NDF

Si Undersecretary Lorrraine Badoy naman na taga-pagsalita ng NTF-ELCAC para sa Social Media Affairs at Sectoral Concerns, ay nagsabi na dapat pati ang Makabayan Bloc sa Congress ay matanggal na din dahil ginagamit ng mga ito ang kanilang mga pwesto sa House of Representatives para lamang protektahan sang CPO-NPA-NDF at maging tagapagsalita ni Sison.

Hugas kamay pa daw ang Makabayan Bloc sa pagkundena sa pangyayari kay Abselon at halata namang walang pagluluksang nararamdaman ang mga mambabatas dahil di naman kayang kundinahin ang talagang may kagagawan na mga CPP-NPA.

Samantala, si Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr. Commander ng South Luzon Command (SoLCom) na siyang nangunguna sa pagtugis sa NPA na responsable sa pagpatay kay Absalon, ay nagsabi na ang pagsuko ng karamihan sa mga teroristang-kumunista ang dahilan ng mga NPA na gumawa ng mga pagpatay upang maiparamdam na kaya pa nilang labanan ang pamahalaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga APM.

Tinukoy nito ang isang alias “Ka Sasay” na kanilang naarestong babaeng rebelde na nagsiwalat na isa siyang kasapi ng Gabriela Partylist.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">